HPG, pinaghahanda ang publiko sa mas matinding traffic sa Edsa na mararanasan ng mga motorista ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 1460

lea_gunnacao
Asahan na ang mas matinding sakripisyo ng mga motorista na dumaraan sa Edsa sa mga susunod na araw.

Ito ang sinabi ng ng PNP Highway Patrol Group sa harap ng nagsisimula nang shopping dahil sa holiday season.

Aniya, karamihan ng mga malls ay nasa gilid ng Edsa kayat tiyak na apektado ito.

Ayon kay PNP HPG Director P/CSupt.Arnold Gunnacao, batay sa nakalap nilang datos, nasa 120 libong motor vehicles per hour ang regular na dumaraan sa Edsa at inaasahang magti-triple ngayong holiday season.

Kaya ayon sa opisyal,gamitin ang Mabuhay lanes dahil maluwag na ito at araw araw din ang kanilang clearing operations upang alisin ang mga bumabalik na illegal vendors at mga pasaway na motorista na ilegal na nagpa park kahit bawal na.

Sinabi pa ng heneral na sinisikap nila na maging 100 percent obstruction free ang lahat ng mabuhay lanes o alternate route para kahit papaano ay mabawasan ang mga sasakyan na dumadaan sa Edsa.

Kaya’t pakiusap ng HPG sa publiko makipagtulungan at sumunod sa batas para sa kaayusan ng lahat.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)

Tags: , , ,