HPG, muling nagpaalala sa mga motorista na bawal pumarada sa Mabuhay lanes

by Radyo La Verdad | November 3, 2015 (Tuesday) | 4804

MABUHAY-LANES
Muling nagpaalala ang Philippine National Police Highway Patrol Group o PNP-HPG sa mga motorista na bawal pumarada sa Mabuhay lanes.

Ayon kay PNP-HPG Chief Superintendent Arnold Gunnacao, layon ng hakbang na mapaluwag ang trapiko habang papalapit ang APEC Summit ngayong Nobyembre pati na ang holiday season sa Disyembre.

Nitong Lunes sinimulan ng HPG ang clearing operations sa Mabuhay lanes o mga kalyeng binuksan bilang alternatibong ruta at inalis ang lahat ng mga nakaparadang sasakyan pati na ang mga iligal na tindahan sa kalsada.

Babala ng HPG, bibigyan nila ng ticket at hahatakin ang sasakyan ng sinumang mahuhuling pumarada sa mabuhay lanes anumang oras at araw.

Tiniyak rin ng PNP-HPG na makikipag-tulungan sila sa mga lokal na pamahalaan upang maitaboy pati na ang mga naglalako ng paninda na nakaka-harang sa lansangan.

Tags: , , ,