Tatalakayin na sa Martes ng Korte Suprema ang hirit na House Arrest ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito’y makaraan ang isang buwang decision writing recess matapos ang kanilang en banc session sa Baguio City.
Magugunitang una nang hiniling ng kampo ni Ginang Arroyo na mapasailalim sa house arrest habang dinirinig pa ang kasong plunder na isinampa laban sa kaniya hinggil sa umano’y paglustay ng intelligence fund ng PCSO.
Naka-hospital arrest ang dating Punong Ehekutibo sa Veterans Memorial Medical Center o VMMC habang sumasailalim sa gamutan sanhi ng kaniyang sakit sa gulugod.
(UNTV RADIO)
Tags: dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, house arrest