Hospitalization ng sanggol sa Capiz na may tumor sa ulo, agarang inaksyunan ng DSWD Region 6 Crisis Intervention Section

by Erika Endraca | January 26, 2021 (Tuesday) | 6774

Mabilis na inasistihan ng DSWD Regional Office 6 ang medical situation ng sanggol na tinubuan ng malaking bukol sa ulo.

Naunang inilapit ni Marecil Cuando ng Pontevedra, Capiz, sa Service on the Dot, ang initial request nila sa DSWD Region 6 na mapa-CT Scan ang kaniyang pamangkin.

Agad namang iniulat on-air ni Mr. Joselito Estember, Head ng Crisis Intervention Section ng DSWD Region 6 na agarang binigyan ng assistance ng on-the-scene social workers ang medical needs ng infant patient.

Dagdag pa ni Mr. Estember na bukod sa CT-Scan ng sanggol ay may total package na ipagkakaloob din ang DSWD sa recipient bukod sa hospitalization nito.

Kasalukuyan ding hinihintay pa ng CIS team ang update mula sa ospital at karagdagang diagnosis mula sa doktor ng pasyente para malaman nila ang mga susunod na hakbang na kinakailangan nilang gawin.

Ayon sa unang salaysay ni Ms. Cuando, nagmamadaling sinugod nila ng kapatid niyang lalake ang anak nito sa ospital nang makitang nilang nahihirapang huminga ang sanggol kahit na wala silang perang pampagamot dito.

Bukod naman sa hospitalization ng pasyente ay tutulungan din ng DWSD Region 6 ang pamilya ng pasyente tungkol kanilang ibang mga pangangailangan.

(April Jan O. Bustarga | La Verdad Correspondent)

Tags: ,