Minamadali na ng bansang Japan ang pagsasaayos sa mga lugar sa Tokyo bilang paghahanda sa pagpasok ng maraming turista para sa 2020 Olympics.
Isa sa maaapektuhan ng renovations ang old busy street ng Harajuku kung saan matatagpuan ang mga trendy shops at mga cosplay stores na patok sa mga bata.
Subalit pinag-iisipan pa kung gigibain ang Harajuku Train Station, ang tinaguriang ‘The Oldest Wooden Station’ sa Tokyo na naitayo noong 1906.
Ayon sa pamahalaan, magsasagawa sila ng konsultasyon sa mga residente sa lugar upang malaman kung papayagan nila itong gibain o hindi.
( Ryuji Sasaki / UNTV Correspondent )
Tags: 2020 Olympics, Harajuku, Japan