Hiling ni Zaldy Ampatuan na makapagpyansa, hindi kinatigan ng Court of Appeals

by Radyo La Verdad | May 9, 2018 (Wednesday) | 4237

Hindi kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang hiling ni dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na makapagpyansa. Isa si Zaldy sa mga pangunahing akusado sa Maguindanao massacre cases.

Sa resolusyon ng Court of Appeals Special 8th Division, sinabi ng Korte na malaki ang posibilidad na maysala sa pagpaslang sa 58 biktima si Zaldy kayat tama lang ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na huwag itong payagang magpyansa.

Kaugnay nito ay dinismiss ng CA ang apela Zaldy Ampatuan.

Isa ang dating ARMM governor sa itinuturong mastermind at kabilang sa mga nagplano upang isakatuparan ang malagim na krimen noong ika-23 ng Nobyembre 2009.

 

Tags: , ,