Hiling na provisional fare increase ng mga pampasaherong jeep, malaki ang posibilidad na aprubahan – LTFRB

by Radyo La Verdad | September 14, 2023 (Thursday) | 3398

METRO MANILA – Malaki ang posibilidad na aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling na provisional fare increase ng mga pampasaherong jeep.

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, batid nila ang pangangailangan sa dagdag kita ng mga operator at tsuper sa gitna ng sunod-sunod na oil price increase.

Gayunman, kailangan anilang balansehin ito para na rin sa kapakanan ng mga sumasakay ng pampublikong transportasyon.

Nakatakdang mag-convene muli ang LTFRB board sa September 26 para dinggin ang petitions para sa fare hike.

Tags: ,