Hiling na dagdag presyo sa ilang grocery items, nakatakdang aprubahan ng DTI

by Radyo La Verdad | August 11, 2022 (Thursday) | 6296

METRO MANILA – Asahan ang pagtaas sa presyo ng ilang grocery items dahil nakatakdang aprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price hike petitions ng ilang manufacturer.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, kabilang sa humiling ng dagdag presyo ay sa delata, noodles, tinapay, kape at gatas.

Subalit paglilinaw ng opisyal hindi lahat ng price hike petitions ay maaaprubahan.

Aniya papayagan lang nila ang mga produktong tumaas ang presyo ng inaaangkat na raw materials kasama pa ang pagtaas ng logistics at distribution cost.

Tags: , ,