Higit dalawampung tao, sugatan sa aksidente ng dalawang bus at isang kotse sa Makati

by Radyo La Verdad | June 19, 2018 (Tuesday) | 7494

Hindi bababa sa dalawampung katao ang sugatan sa aksidenteng kinasasangkutan ng dalawang pampasaherong bus at isang kotse sa Loading Bay ng Magallanes sa Edsa Soutbound pasado alas sais ng umaga kanina.

Sa inisyal na imbestigasyon ng MMDA, nawalang ng kontrol sa manibela ang driver ng Joyselle Express Incorporated Bus na nagresulta sa pagkakasagi nito sa isa pang bus na pagmamay-ari ng VTSC.

Matapos nito ay bumundol ang Joyselle Bus sa likuran ng isang pribadong kotse hanggang sa tuluyan itong bumangga sa steel railing ng waiting shed sa bangketa at concrete firewall fence ng San Lorenzo Village.

Sinugod sa iba’t-ibang ospital sa lungsod ng Makati ang mga nasugatan. Dadalhin ang mga bus sa Makati Traffic Bureau habang patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari.

Samantala dahil sa asksidente, nagdulot ito ng mabigat na daloy ng sasakyan sa kahabaan ng Edsa Southbound.

 

Tags: , ,