Higit 23M mag-aaral, balik-paaralan ngayong araw

by dennis | May 31, 2015 (Sunday) | 4928
File photo: UNTVweb.com

File photo: UNTVweb.com

Mahigit 23 milyong estudyante ang inaasahang dadagsa sa mga paaralan ngayong araw ng Lunes, Hunyo 1.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Jesus Mateo, dalawang milyon sa nabanggit na bilang ay mula sa mga pribadong paaralan at ang karamihan naman ay mula sa pampublikong eskuwelahan.

Tumaas ng 150,000 hanggang 200,000 ang bilang ng mga estudyante ngayong taon bukod pa rito ang bilang ng mga late enrollee.

Tiniyak ni Mateo na handa ang lahat ng public school para sa pagdagsa ng mga mag-aaral bagama’t inamin nito na kulang pa rin ang mga silid-aralan.

Tags: ,