Higit 1,200 candidates, inisyuhan ng show cause order dahil sa premature campaigning

by Radyo La Verdad | September 22, 2023 (Friday) | 5359

METRO MANILA – Mahigit sa 1,200 mga kandidato na ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ang pinadalhan ng show cause order ng task force anti-epal ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay Comelec Spokesperson Rex Laudianco, pinagpapaliwanag sila ng komisyon dahil sa umano’y premature campaigning o maagang pangangampanya.

Nagbabala naman ang komisyon sa mga kasalukuyang nasa pwesto at iba pang local official na huwag makikialam sa show cause orders.

Sa kasalukuyan nasa 300 na aniya ang tumugon sa mga pinagpapaliwanag na kandidato.

Ayon sa nakasaad sa batas, sa October 19-28 pa maaring mangampaniya ang mga BSKE candidate.

Tags: ,