High angle rescue operations scenario, isinagawa ng Bureau of Fire Protection sa Makati City

by Radyo La Verdad | July 30, 2015 (Thursday) | 5643

04 high
Iba’t ibang senaryong ang isinagawa sa Metro Manila Shake Drill ngayong araw sa Ayala Center Makati

Nagtatakbuhan ang mga tao, ang ilan ay sugatan at nagkaroon rin ng sunog.

Dumating agad ang Bureau of Fire Protection, Makati Fire Truck, Philippine Red Cross at mga kawani ng MMDA

Nagpamalas ng high angle rescue operations ang mga nabanggit na ahensya ng pamahalaan para sa ilang biktimang nakulong sa nasusunog na gusali dahil sa lindol

Binigyan ng paunang lunas ang mga sugatang biktima.

Naglagay ng incident command post at media area malapit sa parkway drive

Mataas na grado at assesment ang ibinigay nina MMDA Chairman Francis Tolentino at Acting Mayor Romulo Kid Peña sa ginawang operayon sa quake drill.

Hindi rin inaasahan ni Tolentino na umabot sa mahigit isang milyon ang nagparehistro upang magvolunteer sa Metro Manila Shake Drill.

Ayon naman kay Makati Ayala Land Crisis Management Head Manny Blas anuman ang mga pagkukulang kanina ay leksyon para sa kanila

Umaasa ang pamahalaan ng makati na magkakaroon pa ng isa pang drill upang magroon ng ibayong paghahanda ang lungsod sa pagtama ng the big one.

Tags: , ,