Heightened alert, itinaas ng PNP sa NCR at ARMM

by Radyo La Verdad | August 3, 2018 (Friday) | 4547

Itinaas na sa heightened alert status ng Philippine National Police (PNP) ang pwersa nito sa Metro Manila at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Ito ay matapos ang magkakasunod na pambobomba sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Kabilang dito ang bombing incident sa Lamitan, Basilan, Antipolo City noong Lunes at sa Masbate noong Myerkules ng gabi.

Panawagan ng PNP sa publiko, huwag mabahala dahil ginagawa ng pambansang pulisya ang kanilang trabaho para sa kaligtasan ng publiko.

Nangangamba naman si Senator Panfilo Lacson na mangyari sa ibang bahagi ng bansa ang insidente ng pambobomba sa Basilan.

Samantala, inaresto ng mga otoridad ang isang preacher o uztadz kaugnay sa nangyaring pagsabog sa Lamitan City. Nakilala ang suspek na si Indalin Jainul na nahulihan ng fragmentation grenade.

Sinampahan na ito ng mga reklamong illegal possession of explosives habang inihahanda pa ang mga reklamong multiple murder at multiple serious physical injuries.

Itinanggi naman ng mga kaanak ni Jainul ang mga akusasyon at sinabing nawawala ito simula pa noong Martes at nabalitaan nalang nila na nakakulong ito sa Lamitan City Police Station.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,