Hatol sa kasong murder laban kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, ilalabas ngayong araw

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 1604

PEMBERTON
Mamayang ala una na ng hapon ang itinakdang promulgation ng Olongapo Regional Tial Court Branch 74 sa magiging hatol sa murder case na kinakaharap ni U-S Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kaugnay ng kasong pagpatay sa transgender na si Jeffrey Laude.

Dito malalaman kung guilty si Pemberton sa pagpatay kay Laude o kung ibaba ang kaso sa homicide batay sa mga iprinisintang ebidensya at testigo ng depensa at prosekusyon.

Noong nakaraang linggo pa sana gagawin ang promulgation sa kaso ni Pemberton ngunit hindi ito natuloy.

Ito ay dahil sa hiling ng mga abogado ni pemberton dahil sa prior engagements.

Naniniwala naman ang isa sa mga abogado ng pamilya Laude na si Atty.Virgie Suarez na magiging paborable sa kanilang kliyente ang magiging desisyon ng Korte.(Joshua Antonio/UNTV Correspondent)

Tags: ,