Hat-trick ni Cristiano Ronaldo, nakatulong para makapasok ang Real Madrid sa semis vs Bayern Munich

by Radyo La Verdad | April 19, 2017 (Wednesday) | 779

Real Madrid players(REUTERS)

Pasok na ang Real Madrid sa champions league semifinals.

Salamat sa hat-trick ni Cristiano Ronaldo para sa score na 4-2 extra-time na pagwawagi ng Real Madrid kontra sa 10-man Bayern Munich.

Dahil sa panalo, naselyuhan ng Real Madrid 6-3 aggregate victory.

Ang hindi sukat akalaing goal ni Sergio Ramos ang puwersa sa extra period.

Si Robert Lewandowski ang nagbukas sa scoring ng Bayern sa pamamagitan ng penalty spot na madali namang naitabla ni Ronaldo patungo sa pagwawagi ng Real Madrid.

Tags: , ,