Halos 170,000 sa 3 rehiyon, nakarehistro na para sa COVID-19 vaccination ng 5-11 y/o sa Feb. 4

by Radyo La Verdad | January 31, 2022 (Monday) | 4121

Uumpisahan na sa February 4 ang COVID-19 vaccination sa mga batang 5 to 11 years old.

Tiniyak ng Department of Health na sisiguruhin nitong maayos ang proseso ng pagbabakuna sa mga bata.

Sa ngayon nasa 168,355 na ang nakarehistrong magpapabakuna sa CALABARZON, Central Luzon at Metro Manila.

Ayon kay National Vaccination Operations Center Chief at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, pagsasabayin na ang pagbabakuna sa lahat ng nasa edad lima hanggang labingisa, may comorbidity man o wala.

“Hindi kagaya ng 12 to 17 na nauna ang may comorbidity, gusto natin mas mabilis ang bakunahan, kaya pagsasabayin natin ang pagbakuna ng may comorbidity at walang comorbidity”, ani Usec. Myrna Cabotaje, Chief, National Vaccination Operations Center.

Para sa mga batang may comorbidity, kinakailangan ng medical certificate bago mabakunahan sa mga vaccination center.

Nasa tatlumput dalawang vaccination sites sa iba’t ibang lugar ang gagamitin  sa vaccination roll out para sa nasabing age group.

Kabilang na rito ang National Children’s Hospital, Philippine Children’s Medical Center, at Philippine Heart Center.

Target ng kagawaran na mabakunahan ang nasa 15.5 million sa 5 to 11 yrs old age bracket.

Ngunit dedepende pa rin ito darating sa bansa na suplay ng Covid-19 vaccine na pwede sa mga bata.

Nagpaalala naman si Usec. Cabotaje sa mga magulang o guardian na kasama ng ng magpapabakuna na siguraduhing handa ang bata.

Samantala, kailangan munang pumirma ng consent form ng mga batang 7 years old pataas na sila ay pumapayag na magpabakuna.

Habang nasa responsibilidad naman ng magulang kung babakunahan ang kanilang anak na nasa anim na taong gulang pababa.

Aileen Cerrudo | UNTV News

Tags: , , ,

DOH, nagpapaalala sa paggamit ng public swimming pools

by Radyo La Verdad | April 11, 2024 (Thursday) | 507

METRO MANILA – Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa paggamit ng public pools.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, maaaring may mga sakit na makukuha dito lalo na ang mga bata kung hindi ito regular na nalilinis o napapalitan ng tubig.

Hinihikayat rin ng DOH ang lahat na ireport sa kanilang tanggapan o lokal na pamahalaan ang mga ganitong sitwasyon.

Kasama rin sa ipina-alala ng DOH ang pag-iingat sa pagkain sa panahon ng tag-init tulad ng halo-halo baka kontaminado ng mikrobyo ang ginamit na yelo dito

Tags: ,

DOH, nagbabala laban sa Heat Stroke

by Radyo La Verdad | April 3, 2024 (Wednesday) | 1858

METRO MANILA – Nagbigay ng babala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga heat related illnesses ngayong tumitindi ang mainit na panahon.

Ito ay matapos ang naitala ng pagasa mahigit na 41 degrees celsius na temperatura sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Maaari itong magdulot sa heat cramps, at heat exhaustion, na may sintomas na pagkapagod, pagkahilo, sakit ng ulo, pagsusuka at pagkahilo ang matagal na pagkabilad sa araw.

Tags: ,

DOH nilinaw na walang ipatutupad na lockdown sa gitna ng Pertussis Outbreak

by Radyo La Verdad | March 27, 2024 (Wednesday) | 3273

METRO MANILA – Binigyang diin ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa publiko na hindi mandatory ang paggamit ng facemask sa kabila ng pagtaas ng kaso ng Pertussis at tigdas sa bansa.

Pinapayuhan naman niya ang publiko na gumamit ng facemask kung kinakailangan lang lalo kung may kasalukuyang sakit na nararamdaman.

Pinag-iingat na rin ni Secretary Herbosa ang mga may edad na o senior citizens dahil isa sila sa madaling mahawaan ng anomang sakit.

Para makaiwas sa kumakalat na mga sakit payo niya na ugaliing maghugas ng kamay at panatilihin ang kalinisan sa piligid at sa ating katawan.

Tags: ,

More News