Isang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang posibleng ipatupad ng mga oil company ngayong linggo.
Ayon sa oil industry players, point zero-five (.05) centavos hanggang 10 centavos ang posibleng madagdag sa halaga kada litro ng gasolina.
20 hanggang 30 sentimos naman sa diesel, habang wala o point zero-five (.05) centavos naman ang posibleng itaas ng presyo kada litro ng kerosene.
Ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay dahil sa paggalaw ng halaga nito sa pandaigdigang merkado.