Nanalasa ang severe weather system na may kasamang hail storm sa Denver sa estado ng Colorado at Oklahoma kahapon ng hapon na umabot pa hanggang gabi.
Ayon sa ulat halos kasing laki ng golf balls ang hailstorm na tumama sa dalawang estado na puminsala sa ilang inprastraktura doon.
Dalawa ang iniulat na nasugatan sa Oklahoma.
Nagdulot rin ang masamang panahon ng mga pagbaha, thunder storm at malakas na hangin na naging dahilan upang itaas ang tornado watch sa Denver.
Ayon sa U-S weather services nasa estado ng Kansas, Nebraska ang severe weather system at inaasahang muling mararanasan ito sa Colorado ngayong weekend.
Tags: Colorado, Denver, Hail at severe weather system, Oklohoma