Habagat, nakakaapekto sa western section ng Luzon at Visayas

by Radyo La Verdad | July 4, 2018 (Wednesday) | 2301

Makakaranas ng mga pag-ulan ang Palawan, Mindoro at Visayas dahil sa epekto ng habagat.

Ayon sa PAGASA, posible itong magdulot ng mga landslide at pagbaha lalo na sa mga mabababang lugar.

May mga thunderstorms din sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala, binabantayan pa ng PAGASA kung papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang isang bagyo.

Namataan ito kaninang 3am sa layong 2,300km sa silangan ng Visayas.

Sa ngayon ay maliit naman ang posibilidad na tumama o maglandfall ito sa anomang bahagi ng bansa.

 

Tags: , ,