Habagat, nagpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng bansa

by Radyo La Verdad | August 10, 2018 (Friday) | 2239

Nagdudulot pa rin ng mga pag-ulan ang habagat sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, pinalalakas ng Bagyong Karding at LPA sa West Philippine Sea (WPS) ang habagat.

Makakaranas ng kalat-kalat na mga pag-ulan sa Western Visayas at halos buong Luzon liban na sa Cagayan Valley.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makararanas ng thunderstorms.

Namataan ang Bagyong Karding sa layong 1,150 sa silangan ng Basco, Batanes.

Mamayang gabi o bukas ng umaga ay inaasahang lalabas na rin sa PAR ang bagyo.

 

Tags: , ,