Habagat, magdudulot pa rin ng mga pag-ulan sa Luzon

by Radyo La Verdad | August 15, 2018 (Wednesday) | 1761

Nasa labas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang isang low pressure area (LPA), subalit napapalakas pa rin nito ang habagat.

Makararanas ng malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes at Babuyan Group of Islands.

May paminsan-minsan ding pag-ulan ang Zambales at Bataan, habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng thunderstorms.

Ang Visayas at Mindanao naman ay makararanas ng papulo-pulong pag-ulan.

 

Tags: , ,