Hindi November 30 ipinanganak ang bayaning si Andres Bonifacio, ika- 26 ng Abril at hindi ika-10 ng Mayo pinatay ang supremo. May sarili siyang pamahalaan bukod kay Aguinaldo at hindi rin totoo na siya ang nagtatag ng katipunan. Ilan lamang ito sa mga impormasyon na suportado umano ng dokumento na ipepetisyon ng grupong katipunang pangkasaysayan at kultura ng tundo.
Ayon kay Professor King Cortez na head researcher ng grupo, November 29 ipinanganak si Bonifacio. Nakasaad sa kaniyang baptismal certificate na tatlong araw na ang edad ni Bonifacio mula ng binyagan ito noong December 2, 1863.
Naniniwala rin ang grupo ni Cortez na hindi ika-10 ng Mayo pinatay si Bonifacio, kahit ang kaniyang lapida sa Marigondon, Cavite ay dalawang petsa ang sinasabing araw ng kamatayan.
Ipinaliwanag rin ni Cortez na mayroong sariling gobyerno si Bonifacio bukod kay Emilio Aguinaldo. Bukas naman ang National Historical Commission na tanggapin ang petisyon upang mapag-aralan at masuri ang kanilang mga argument.
Para naman sa mga kamag-anak at apo ni Bonifacio, kung mapagdesisyunan ng mga eksperto na baguhin ang ilang mga impormasyon payag sila dito.
( Mon Jocson / UNTV Correspondent )