Graft case ni dating Palawan Gov. Joel Reyes, dinismiss ng Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | May 9, 2017 (Tuesday) | 1135


Dinismiss na ng Sandiganbayan 5th division ang kasong graft laban kay dating Palawan Governor Joel Reyes.

Ayon sa anti-graft court, labing dalawang taon nang naantala ang proseso sa paghahain ng naturang kaso.

Labag aniya ito sa speedy disposition ng kaso kung kaya’t dinismis na ito ng korte.

Ang naturang kaso ay nag-ugat sa umano’y maanomalyang pagbili ni Reyes ng 3.25 million na halaga ng mga fertilizer sa isang non government organization noong 2004.

Tags: , ,