Maaari nang kumuha ng pasahero ang grab car sa Ninoy Aquino International Airport simula ngayong araw.
Ito’y matapos aprubahan ng Manila International Airport Authority o MIAA ang pakiusap ng grab car na makapagsakay at makapagbaba ng pasahero sa NAIA Complex.
Ayon sa MIAA kulang ang public transport sa NAIA kung kaya’t pinayagan nila ang grab na makapag-operate sa airport.
Maglalagay ng mga booth ang grab sa NAIA na tatauhan ng booking agents na aasiste sa mga pasahero na gustong sumakaysa grab car upang kahit walang smartphone o internet ang pasahero ay makakapag book sa tulong ng mga booking agent.
(UNTV NEWS)
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com