GPH Chief Peace Negotiator Sec. Bello, pinababawi ang atas ng CPP sa NPA na paigtingin ang pag-atake sa Mindanao

by Radyo La Verdad | May 26, 2017 (Friday) | 1558


Ipinababawi naman ni Government Peace Panel Chief Peace Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello The Third ang desisyon ng Communist Party of the Philippines na paigtingin ang opensiba sa Mindanao.

Ayon kay Secretary Bello, mali ang pagkaunawa ng mga makakaliwa sa intensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdedeklara ng batas military sa Mindanao.

Sinabi ni Bello na layon ng proklamasyon na ibalik ang law and order sa Mindanao ;

Sinabi rin ni Bello na insulto sa sinseridad ng pangulo at sa isinasagawang peace process ang desisyong ito ng CPP-NPA.

Tags: , , ,