Gintong medalya ng Pilipinas sa 2017 SEA Games, umabot na sa 8

by Radyo La Verdad | August 23, 2017 (Wednesday) | 3808

TEAM PHILIPPINES: (left) Wushu Gold Medalist: Agatha Chrystenzen | Gymnastics gold medalists: (center) Reyland Capellan & (right) Kaitlin de Guzman

Patuloy na nadaragdagan ang ginto ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur Malaysia. Ito’y matapos makuha ni Eric Cray ang gintong medalya sa nilahukan niyang 400 meters hurdle event.

Halos dikit na dikit ang laban dahil natapos ni Cray ang race sa loob lang ng 50.03 seconds, habang ang kalaban niyang si Quach Cong Lich ng Vietnam ay natapos sa loob ng 50.05 seconds.

Bago si Cray, una nang nakasungkit ng medalya ang Pinay na si Agatha Chrystenzen Wong sa laban sa wushu, sina Reylan Capellan at Kaitlin De Guzman naman sa gymnastics, Brennan Louie sa fencing, Marion Kim Mangrobang at Nikko Bryan Huelgas sa triathlon, at si Mary Joy Tabal sa women’s marathon.

Sa ngayon ay nasa ika-6 na pwesto pa rin ang Pilipinas na mayroon ng 8 gold, 8 silver at 9 bronze medals.

Hangad naman ng Philippine team na mas maging mganda ang resulta nila ngayon taon kumpara sa huling pagsabak nito sa SEA Games sa Singapore noong 2015 kung saan natapos lamang sila sa ika-6 na pwesto.

Tags: , ,