Kumakalat ngayon sa social networking site na facebook ang isang video kung saan makikita na nanganganak ang isang babae sa wheelchair sa entrance ng isang ospital.
Ayon sa nag-upload ng video na si Jayr Agustin Cariño na isang ambulance driver, tinanggihan ng district hospital na i-admit ang babae.
Ayon pa kay Jayr, una nilang isinugod ang babae sa isang lying in clinic subalit ayaw din umano siyang asikasuhin dahil wala itong pambayad.
Mabuti na lang anya at tinulungan siyang asistihan ng dalawang nurse habang nanganganak.
Umani ng ibat ibang komento mula sa netizen ang naturang video.
Karamihan sa mga netizen ang galit, subalit may iba na naniniwala na ang mga midwife sa lying in clinic ang tumulong sa ginang.
(UNTV RADIO)
Tags: Jayr Agustin Cariño