Gina Lopez, tinanggap na ang alok na maging kalihim ng DENR

by Radyo La Verdad | June 22, 2016 (Wednesday) | 2283

GINA-LOPEZ
Tinanggap na ni ABS-CBN Foundation Chair Gina Lopez ang alok ni incoming President Rodrigo Duterte na maging kalihim ng Department of the Environment and Natural Resources o DENR.

Inilarawan ni Lopez ang kanyang sarili bilang ‘not the usual choice’ bilang DENR Secretary dahil sa kanyang adbokasiya kaugnay ng pagmimina.

Ngunit bukas aniya siya sa pakikipag-usap sa mga nasa mining industry upang mapag-usapan ang suhestyon ng mga ito upang maresolba ang mga isyu sa industriya.

Binalaan din ni Lopez ang mga corrupt aniyang opisyal ng DENR at sinabing magkakaroon ng paglilinis sa hanay ng mga opisyal ng DENR.

(UNTV RADIO)

Tags: ,