Gina Lopez, inalok ni na maging kalihim ng DENR

by Radyo La Verdad | June 21, 2016 (Tuesday) | 2324

GINA-LOPEZ
Inalok ni President Elect Rodrigo Duterte si ABS-CBN Foundation Chairman Gina Lopez upang maging kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.

Si Lopez ay kilalang anti-mining advocate at nangunguna sa mga proyektong tulad ng Pasig river clean up drive at eco-tourism efforts sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Wala pang sagot si Lopez sa alok na posisyon ng incoming president.

“I am honored given this proposal and i will seriously consider it.” Pahayag ni Lopez

Ang pagsugpo sa ilegal mining ang umano’y naging kunsiderasyon ni Duterte sa pagpili kay Lopez.

(UNTV RADIO)

Tags: