German hostage ng ASG, pinatay na ng bandidong grupo batay sa intel reports – Chief PNP

by Radyo La Verdad | February 27, 2017 (Monday) | 2302


Kinumpirma ng counterpart ng Philippine National Police mula sa armed Forces of the Philippines ang ulat na pinatay na ng bandidong Abu Sayyaf Group ang bihag nitong German national na si Jeurgen Kantner.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, ito ay batay sa natanggap nilang intelligence report.

Nilinaw naman ng hepe ng Pambansang Pulisya na iba ang intel information sa investigation report kung saan kinakailangang makita muna ang katawan ng biktima.

Kahapon ng alas tres ng hapon ang taning na ibinigay ng ASG upang bayaran ang ransom na 30-million pesos na ransom para sa biktima.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , , ,