Isinasagawa ngayon ang general elections sa Brazil upang magtalaga ng bagong pangulo at pangalawang pangulo at mga miyembro ng National Congress.
Ito ng itinuturing na highly polarised presidential fight sa bansa sa loob ng ilang dekada.
Kapag walang kandidato na nakakuha ng 50% ng mga boto ay magkakaroon ng second round sa loob ng tatlong linggo.
Nangunguna sa presidentiables ang far-right candidate Jair Bolsonaro habang mahigpit naman niyang kalaban ang left wing candidate na si Fernando Haddad.
Tiwala naman si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro na mananatiling matibay ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Brazil kahit na sino ang manalo sa halalan.
72 taon na aniya ang umiiral na diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa at hindi na aniya ito basta-basta mabubuwag.
( Dave Tirao / UNTV Correspondent )
Tags: Brazil, National Congress, Pilipinas