French vessel, nakadetect ng signal na posibleng galing sa black box ng nawawalang Egyptair MS804

by Radyo La Verdad | June 2, 2016 (Thursday) | 916

blackbox
Naka-detect ng signal ang isang French Naval Search Vessel na pinaniniwalaang mula sa isa sa mga black box ng Egyptair flight MS804 na bumagsak sa Mediterranean nitong nakaraang buwan.

Mas pinaigting pa ngayong ang paghahanap sa mga flight recorder o black box ng eroplano at sa susunod na linggo ay inaasahang darating ang isa pang search vessel mula sa Mauritius-based Deep Ocean Search upang tumulong sa operation.

Idinesenyo ang flight recorder ng eroplano para mag-emit ng acoustic signal sa loob ng tatlongpung araw matapos mag-crash, kaya naman mayroon na lamang tatlong linggo ang search team para mahanap ito.

Tags: , ,