Isang freight CSX Corporation ang na nadikaril ngayong umaga sa Washington DC.
Dahil dito isinara ang Metro Station at Rhode Island Avenue matapos na mawala sa riles ang tatlong freight cars na natumba at tumagas ang kargang toxic chemicals.
Ayon sa US Center for Disease Control and Prevention ang nag-leak na toxic chemical ay sodium hydroxide, isang kemikal na sangkap sa paggawa ng papel, sabon, drain cleaner at iba pa.
Nakikipagtulungan na ang CSX Corporation sa Washington DC First Responders upang linisin ang kumalat na kemikal.