Former world number one Tiger Woods, hindi pa tiyak kung kailan muling maglalaro ng golf

by Radyo La Verdad | December 3, 2015 (Thursday) | 761

TIGER-WOODS
Ipinahayag ni former world number one Tiger Woods na hindi niya nasisiguro kung kailan muling maglalaro ng golf.

Ginawa ni Woods ang pahayag bago ang Hero World Challenge na siya mismo ang host sa Bahamas.

Ayon kay Woods hindi na siya pumalo mula ng operahan siya sa kanyang likod at hindi pa rin siya sumasailalim ng rehabilitation.

Dahil dito, hindi niya masabi kung makapaglalaro na siya sa 2016.

Mula noong 2008 ay hindi na nananalo si Woods, 14-times major winner.

Huling inoperahan si Woods sa kanyang lower back disk noong Oktubre ngayong taon.

Tags: , ,