Former Reps. Neri Colmenares, Tom Villarin, Rep. Sarah Elago, ipinatawag ng DOJ kaugnay ng reklamong trafficking at child abuse

by Radyo La Verdad | August 22, 2019 (Thursday) | 6589

Pinadalhan na ng subpoena ng Department of Justice sina Kabataan Partylist Representative  Sara Elago, Dating Akbayan Representative Tom Villarin, Bayan Muna Chairman Neri Colmenares at iba ilang opisyal ng Anakbayan group.

Base sa dokumentong ipinadala ni Assistant State Prosecutor Christine Perolino, ipinatawag ang mga nasabing personalidad upang magpaliwanag kaugnay sa reklamong trafficking at child abuse na inihain ni Lucena Relissa Santos at ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group laban sa kanila. Ito ay kaugnay ng naiulat na pagkawala ng high school student na si Alicia Lucena matapos umanong ma-recruit ng Anakbayan.

Una nang pinabulaanan ni Alicia na siya ay nawawala at dinukot ng grupo.

Samantala, dumipensa ang Malacañang sa inilaang 623 billion pesos na pondo para sa anti-insurgency program sa ilalim ng 2020 proposed national budget.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang pondong ito ay para sa ginagawang pagpupulong ng Regional Peace and Order Council at Regional Development and Security Council upang mahikayat ang mga rebeldeng komunista na magbalik-loob sa pamahalaan.

Dagdag pa ni Nograles, “When the surrenderers come in, come back to the fold, may e-clip tayo na ginagastos for that, kasama sa e-clip yung livelihood component and all of these social benefits and social programs na binibigay natin sa kanila to entice them to come back to the folds of the government.”

Tags: , , ,