Former No.1 Lleyton Hewitt, tinalo ni David Ferrer sa 2nd round ng Australian Open

by Radyo La Verdad | January 22, 2016 (Friday) | 2661
Lleyton Hewitt(REUTERS)

Lleyton Hewitt(REUTERS)

Ginabayan si Lleyton Hewitt sa kanyang retirement ng pagkatalo niya kay David Ferrer ng Spain 6-2 6-4 6-4 sa Australian Open sa Melbourne Park.

Dahil sa pagkatalo sa 8th seed kay Ferrer, nabigo ang dating world number one at two-time grandslam champion na i-extend ang kanyang record na 20th at final appearance sa Australian Open Men’s Singles.

Kapag natapos na ang kanyang doubles duty kay Sam Groth ay tapos na rin ang playing career ni Hewitt.

Ngunit hindi pa niya ganap na iiwan ang larong tennis dahil tatayo pa siyang kapitan sa Davis Cup campaign ng Australia.

Tags: , , ,