Former DOH Sec. Garin, haharap sa imbestigasyon ng Comelec sa Dengvaxia issue

by Radyo La Verdad | March 6, 2018 (Tuesday) | 3420

Handang humarap sa pagdinig ng Commission on Elections (Comelec) si former Health Sec. Janette Garin.

Handa ang dating kalihim na patunayan na hindi labag sa election laws ang paglalabas ng P3.5-billion fund para sa pagbili ng Dengvaxia vaccines. Iginiit rin nito na walang kinalam ang mass immunization program sa pulitika.

Ang imbestigasyon ng Comelec law department ay kaugnay ng inihaing reklamo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at ni Dr. Francis Cruz, ang dating consultant ng DOH laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating DOH Sec. Janette Garin at dating Budget Sec. Florencio Abad.

Nalabag umano nila ang Omnibus Election Code dahil sa pag-release at paggamit ng pondo sa loob ng election period.

April 2016 nang ipinatupad ang mass immunization ng bansa, isang buwan bago ang national elections.

Samantala, kasama rin ang ilang kasalukuyang opisyal ng DOH sa reklamong inihain ni Cruz at ng VACC sa Comelec law department. Kabilang na rito ang mga umano’y miyembro ng “mafia” sa DOH. Binibigyan sila hanggang ika-8 ng Marso upang magsumite ng kanilang counter affidavit.

Suportado naman ni Sec. Duque ang ginagawang imbestigasyon ng Comelec.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,