FOI Bill, prayoridad na maisabatas ng House Committee on Public Information

by Radyo La Verdad | August 18, 2016 (Thursday) | 1217

TINIO
Susubukan ng House Committee on Public Information na maipasa sa mababang kapulungan ng kongreso ang Freedom of Information Bill bago matapos ang taon.

Ayon kay Act Teachers Party List Rep Antonio Tinio, chairman ng kumite malaki ang tiyansang ito ay maisabatas sa ilalim ng 17th Congress.

Lalo’t mismong ang Pangulong Duterte ay sangayon dito at naglabas ng executive order upang agad itong maipatupad.

Tiniyak ng kongresista na hindi water-down version ang kanilang isasabatas.

Sa ngayon nakahain narin sa senado ang FOI Bill at naghihintay na lamang na masimulan ang pagdinig ukol dito.

Ang FOI Bill ay ang panukalang batas na magbibigay ng access sa publiko na makita ang mga transaksyon na pinapasok ng gobyerno sa lahat ng kanlang mga proyekto.

Maliban na ang mga impormasyon maaaring magdulot ng banta sa seguridad ng bansa at ng mga mamamayan.

27-taon na ang nakalipas ng unang ihain ang FOI Bill sa kongreso at hanggang ngayon ay hindi pa ito naisasaabatas.

(Grace Casin/UNTV Radio)

Tags: ,