FOI bill nanganganib na hindi nanaman maipasa sa kongreso

by Radyo La Verdad | July 16, 2015 (Thursday) | 870

rep.baguilat3
Nakiusap si Ifugao Rep.Teddy Baguilat sa liderato ng kamara na sa unang dalawang buwan ng pagbubukas ng sesyon ngayon buwan ay isalang na sa sponsorship period ang Freedom of Information bill.

Ayon sa kongresista kung hindi ito matatalakay sa unang dalawang buwan ng sesyon ngayon at simulan na ang period of amendments sa bangsamoro bill, ay malabo na itong maipasa sa kasalukuyang kongreso.

Nanawagan din si Baguilat kay Pangulong Aquino na kung talagang sinsero ito sa pagsasabatas ng Bangsamoro bill sa ilalim ng kanyang administrasyon ay bigyan nito ng direktiba ang liderato ng kamara.

Ang FOI bill ay ang batas naglalayong magkaroon ng access ang publiko sa mga kontratang pinapasok ng pamahalaan upang magkaroon ng transparency.(Grace Casin/UNTV Correspondent)