Mas pinaigting pa ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang kanilang focus operation kontra bandidong grupong Abu Sayaff Group sa Sulu.
Layon nitong mapuksa ang grupo at mailigtas ang natitira pa nitong mga bihag.
Sa intelligence report ng AFP, anim pa ang hawak ngayong bihag ng ASG kabilang na ang Norwegian national na si Kjartan Sekkingstad at Marites Flor na dinukot sa Samal Island, Davao del Norte noong 2015.
Aminado naman ang militar na mas kabisado ng mga bandido ang terrain kaya kailangang mag-doble ingat ng mga sundalong kasama sa operasyon.
“Alam na po ng AFP natin kung papano i-address ang problema yun lang hindi pupwede itong biglain. We should also consider the safety of the kidnap victims and the safety of our soldiers as well baka po habol lang tayo ng habol pinapainan lang tayo hindi po pwede ganun yung tactics.” Pahayag ni AFP-WESTMINCOM Spokesperson Maj. Felimon Tan Jr.
(UNTV RADIO)
Tags: Focus operation