First time job seeker na kukuha ng mga dokumento sa pamahalaan, wala nang bayad

by Radyo La Verdad | May 7, 2019 (Tuesday) | 2850

MALACAÑANG, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapahintulot sa mga first time job seeker na kumuha ng mga dokumento sa pamahalaan nang walang bayad o ang Republic Act Number 11261.

Layon ng batas na ito na itigil ang paghingi ng bayad sa mga first time job seeker sa application ng mga certificate o documents na kinakailangan sa pag-aapply ng trabaho.

Kabilang na dito ang Police Clearance, National Bureau of Investigation, Barangay Clearance, Medical Certificate sa Public Hospital, Birth Certificate, Marriage Certificate, Transcript of Academic Records sa State Colleges and Universities, Tax Identification Number, Unified Multi-Purpose ID o UMID Card, at iba pang documentary requirements.

Tanging barangay certification ang kailangang ipresenta ng first time job seekers upang makakuha ng mga naturang dokumento.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,