Firecracker-related injuries, bumaba ng 60% – DOH

by Radyo La Verdad | January 2, 2017 (Monday) | 1502

estong_naputukan
Bumaba ng nasa animnapung porsiyento ang bilang ng mga biktima ng paputok sa pagpapalit ng taon.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health kahapon ng umaga, tatlongdaan at apatnapu’t walong kaso ng firecracker-related injuries ang naitala.

Two hundred ten sa mga ito ay mula sa National Capital Region; dalawa naman ang naitalang insidente ng firecraker-ingestion.

Ayon sa kagawaran ito na ang pinakamababang bilang ng mga biktima ng paputok sa bansa sa loob ng sampung taon.

Hanggang January 5 pa tatagal ang monitoring ng DOH sa reported cases ng firecracker-related incidents.

Tags: , ,