Fire truck at pampasaherong jeepney nagkabanggaan sa Espanya Manila

by Radyo La Verdad | December 31, 2015 (Thursday) | 1507

BENEDICT_ACCIDENT
Isang fire truck na reresponde sana sa fire scene ang naaksidente nang makabanggaan ang pampasaherong jeep sa Blumentrit Corner Espanya Boulevard Sampaloc Manila.

Kapwa wasak ang unahang bahagi ng dalawang sasakyan dahil sa impact ng banggaan.

Ayon sa nakakita sa pangyayari, nakagreen ang magkabilang lane ng Espanya kaya mabilis ang takbo ng jeepney, galing ng Welcome Rotunda ang fire truck at kakaliwa ng Blumentritt kaya naghead on collision ang dalawa.

Hindi baba sa sampu ang nasugatan sa dalawang sasakyan na agad namang isinugod sa pinaka malapit na ospital.

Inibestigahan na ng mga otoridad ang nangyaring banggaan upang malamang kung sino ang may pananagutan sa dalawang driver.

(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,