MANILA, Philippines – Nasa P21.62-B ang kabuuang halaga ng tax liabilities ng mga foreign workers na nagta-trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa batay sa ulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
At sa kabila ng ibinigay sa kanilang paalala, di pa rin sila nagbabayad ng tamang buwis.
Dahil dito, ipinag-utos na ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa BIR na ipatigil ang operasyon ng POGOS na di nag-reremit ng tamang buwis ng kanilang mga empleyado.
Sa pamamagitan ito ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Justice (DOJ), Bureau of Immigration (BI), Office of the President at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Batay sa ulat ng BIR, nagbayad ng nasa P175-M na withholding taxes ang mga pogo service providers noong 2017, at P579-M noong 2018.
Samantalang mula January hanggang August 2019, umabot na sa P1.4-B ang halaga ng buwis na nakolekta ng BIR mula sa POGOS.
May interagency task force namang binuo ang pamahalaang upang i-monitor na mahigpit ang pagpasok ng mga foreign worker sa bansa.
Binilinan din ni Finance Secretary Dominguez ang BIR na i-reject ang lump sum offer o kahit anong arrangement sa pagbabayad ng tax arrears kundi bagkus dapat ay maging accountbale ang bawat foreign worker sa kanilang Tax Liabilities.
(Rosalie Coz | UNTV News)