Final texting at sealing ng VCS para sa OAV, uumpisahan na ng COMELEC sa susunod na buwan

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 1104

COMELEC-FACADE-2
Ngayong Marso na isasagawa ang Final Testing and Sealing o FTS ng Commission on Elections o COMELEC sa mga Vote Counting Machine na gagamitin sa Overseas Absentee Voting o O-A-V sa tatlumpung lugar sa labas ng bansa.

Layon ng F-T-S na matiyak na gagana ng maayos at tama ang mga makina na gagamitin sa halalan.

Sa pagsasagawa ng F-T-S, magkakaroon ng aktwal na pagboto at maglalagay ng totoong balota sa mga Vote Counting Machine.

Sa pamamagitan nito matutukoy ng Special Board of Election Inspectors kung tama ang pagbasa ng mga makina sa balota.

Kapag nakapasa ang mga makina sa F-T-S ay ilalagay na ito sa ballot boxes at seselyuhan, bubuksan lamang ito sa pagsisimula ng Overseas Absentee Voting sa April nine.

Tags: , , ,