Fil-Am rookie at Laker guard Jordan Clarkson, pasok sa NBA All-Rookie team

by dennis | May 19, 2015 (Tuesday) | 1055
Lakers guard, Jordan Clarkson (6) REUTERS/Jayne Kamin-Oncea-USA TODAY Sports

Lakers guard, Jordan Clarkson (6) REUTERS/Jayne Kamin-Oncea-USA TODAY Sports

Pasok sa NBA All-Rookie team ang rookie point guard ng Los Angeles Lakers na si Jordan Clarkson.

Si Clarkson ay nagtala ng 16.7 points per game (PPG) sa loob ng 28 laro matapos ang All-Star Break.

Sa kabuuan ng season, si Clarkson ay may average na 11.9 PPG, 3.5 assists at 3.2 rebounds

Lumaki ang exposure ni Clarkson sa Lakers matapos magtamo ng season-ending injury si Kobe Bryant.

Kasama ni Clarkson sa All-Rookie team si NBA Rookie of the Year Andrew Wiggins ng Minnesota Timberwolves, Nikola Mirotic ng Chicago Bulls, Nerlens Noel ng Philadelphia 76ers at Elfrid Payton ng Orlando Magic.

Si Clarkson ay ang 46th overall pick ng Lakers sa 2nd round ng 2014 NBA draft. Hinirang din si Clarkson na West Rookie of the Month noong buwan ng Marso.

Ang 22 taong gulang na Laker guard ay ipinanganak ng isang Pinay na si Annette Davis na tubong Angeles, Pampanga.

Tags: , ,