Federalism forum, isinagawa ng DILG sa Davao City

by Radyo La Verdad | August 3, 2018 (Friday) | 4696

Dinaluhan ng mga gobernador, alkalde at brgy. officials sa Davao Region ang isinagawang federalism forum at consultation ng Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay ng pagbabalangkas ng federal constitution.

Layon nito na makuha ang sentimyento ng regional level sa naturang panukala upang maikonsidera ito sa babalangkasing federal constitution.

Umaasa din ang DILG na makatutulong ito upang mapataas ang kamalayan ng mamamayan patungkol sa federalism.

Samantala, ikinatuwa naman ng iilang mga local official ang ginagawang pagpapaliwanag ng DILG patungkol sa nilalaman ng federal constitution.

Ayon naman kay Gov. Douglas Cagas ng Davao del Sur, malaking bagay na maipaliwanag ng maigi ang federal constitution.

Sunod na pupuntahan ng DILG ang Visayas Region at umaasa silang matatapos nila sa Disyembre ang ginagawang information dissemination, awareness at consultation upang mabalangkas na ang draft ng federal constitution.

 

( Dianne Ventura / UNTV Correspondent )

Tags: , ,