Libu-libong mga tagasuporta ng boxing legend na si Muhammad Ali ang nagsimula ng dumagsa sa hometown nito sa Louisville, Kentucky upang saksihan ang isasagawang memorial service ng atleta ngayong araw.
Hindi alintana ng mga ito ang mainit na panahon at matiyagang pumila ng ilang oras upang makakuha ng libreng ticket para sa memorial service.
Bago ang official service ay isang procession muna ang isasagawa mula sa 34th Avenue hanggang sa Grand Avenue.
Kabilang sa magiging pallbearer sa libing ni Ali ang actor, singer na si Will Smith at former Heavy Weight Champion Lennox Lewis.
Pumanaw si ali noong June 3 dahil sa kumplikasyon sa kanyang sakit na parkinsons.
(UNTV RADIO)
Tags: uhammad Ali