Ex-Sen. Tatad naghain ng mosyon upang kanselahin ang CoC ni Poe kung hindi makakakuha ng TRO ngayong araw

by Radyo La Verdad | December 28, 2015 (Monday) | 1348

mosyon-SA-COC
Naghain ng mosyon sa COMELEC sa pamamagitan ng kaniyang abugado si dating Senador Kit Tatad.

Humihiling ito na ipatupad ang desisyon ng first division na kanselahin na ang Certificate of Candidacy ni Senator Grace Poe at tanggalin ang kaniyang pangalan sa listahan ng mga kandidato sa pagkapangulo.

Paliwanag ni Attorney Manuelito Luna ito ay kung hindi makakuha ng temporary restraining order ngayong araw si Poe upang ipatigil ang implementasyon ng pagkansela sa coc matapos paburan ng COMELEC en banc ang ruling ng 1st division.

Matatandaang pagkatapos mailabas ang desisyon ng en banc may limang araw ang respondent upang kumuha ng TRO sa Korte Suprema bago maging final and executory ang ruling.

Tags: , , , ,