Umatras na si dating London Mayor Boris Johnson sa paghahangad nitong makuha ang binakanteng puwesto ni dating Prime Minister David Cameron.
Si Johnson na kabilang sa kumampaya sa Brexit sa European Union ang sinasabing makakapalit sana ni Cameron.
Ipinabatid na ni Johnson ang kanyang pasya sa mga kaalyadong pulitiko.
Ang desisyon ni Johnson ay kasunod ng pahayag ni Justice Secretary Michael Gove na isa ring pro-Brexit campaigner na tatakbo siya bilang prime minister ng bansa.
Tags: Ex- London Mayor Boris Johnson, prime ministerial race, UK